-- Advertisements --
NAGA CITY- Patay matapos ding makuryente ang isang 45-anyos na lalaki sa Calauag, Quezon.
Kinilala ang biktima na si Gaudencio Bonto Ramos, residente ng Sitio Duongan Barangay Ipil sa nasabing bayan.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na bigla na lamang nakuha ng anak nitong lalaki ang isang electrical wire na agad naman nitong inagaw.
Ngunit sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabatid na habang kinukuha ni Ramos ang naturang wire mula sa kaniyang anak, bigla itong nahulog sa fishpond na hawak ang wire.
Dahil dito, nakuryente ang biktima na agad naman sanang dinala sa ospital ngunit idineklara ring Dead On Arrival ng mga doktor.