-- Advertisements --
Nasa 44 katao ang nasawi dahil sa pang-aatake ng mga teroristang grupo sa northern Burkina Faso sa West Africa.
Sinabi ni governor Rodolphe Sorgho na isang barbaric na paraan ang ginawa ng mga suspek.
Ang Burkina Faso ay itinuturing na pinakamahirap na bansa na nagiging sentro ng kaguluhan mula sa Islamist militants na iniuugnay sa al Qaeda at Islamic State.
Nagsimula ang kaguluhan sa katabing bansa na Mail noong 2012 at mula noon ay kumalat na ito sa Sahel region sa timog bahagi ng Sahara Desert.
Mula noong 2018 ay ilang milyong residente na ng Burkina Faso ang lumikas dahil sa banta ng kaguluhan.