-- Advertisements --
Aabot sa 44 katao ang sugatan habang ilang libong residente ang nawalan ng suplay ng kuryente matapos ang pananalasa ng bagyong Haiku sa Taiwan.
Nag-landfall ang bagyo sa bayan ng Donghe nitong Sabado.
Inilikas naman ang mahigit na 7,000 katao mula sa 11 lungsod dahil sa epekto ng bagyo.
Bago ang pag-landfall ng bagyo ay may dala itong lakas ng hangin ng hanggang 155 kilometers per hour.
Ito ang unang bagyo na direktang tumama sa Taiwan matapos ang apat na taon.