-- Advertisements --
Nasa 44 katao ang nasawi dahil sa matinding pag-ulan sa northeast Brazil.
Ayon sa Minister of Regional Development head Daniel Ferreira, na mayroong 56 katao pa ang nawawala habang 25 ang sugatan.
Umabot na rin sa halos 4,000 katao ang nawalan ng kanilang tirahan dahil sa walang tigil na pagbuhos ng malakas na ulan.
Ilan sa mga nasawi ay dahil sa landslide sa Recife area sa Pernambuco state.
Mahigit dalawang araw ng nakakaranas ng malakas na pag-ulan ang lugar na sanhi ng pagguho ng mga bahay.
Nagsagawa na ng rescue operations ang mga otoridad sa nasabing lugar.