-- Advertisements --
Aabot sa 402 ang bagong COVID-19 cases na naitala sa Pilipinas, dahilan para umakyat ang total case load sa 2,836,592.
Ayon sa Department of Health (DOH), ang active case count sa bansa ngayon ay 11,255, kung saan 4,334 ang mild, 876 ang asymptomatic, 1,961 ang severe, at 401 naman ang nasa critical condition.
Sinabi ng DOH na ang naitalang mga bagong kaso ay katumbas ng 1.2 percent ng 36,799 tests na isinagawa noong Disyembre 10.
Dagdag pa ng kagawaran, sa 402 cases na naitala, 380 o 95 percent ang nangyari sa nakalipas na 14 araw.
Samantala, ang total recoveries naman ay umakyat na sa 2,775,057 makalipas na 509 pang pasyente ang gumaling sa COVID-19.
Ang death toll naman ay umakyat na rin sa 50,280 kasunod ng 184 pang fatalities.