-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng hanggang 10 taon ang 400 katao na nagsagawa ng anti-government protest.

Ayon sa prosecutor-general ng Tehran na ang 160 ‘rioters’ ay hinatulan ng lima hanggang 10 taon na pagkakakulong habang 80 ay mula dalawa hanggang limang taon at ang ibang 160 naman ay hanggang dalawang taon lamang na pagkakakulong.

Pinagbayad naman ng multa ang 70 iba na sangkot sa nasabing kilos protesta laban sa gobyerno.

Ang nasabing paglabas ng hatol ay ilang araw matapos na bitayin sa publiko ang ikalawang lalaki na sangkot rin sa kilos protesta.

Magugunitang nasa tatlong buwan na ang kilos protesta sa Iran dahil sa pagkasawi ng 22-anyos na dalaga na si Mahsa Amini habang nasa kustodiya ng kapulisan na ito ay inaresto noong Setyembre dahi sa hindi pagsusuot ng hijab.