Apat ang sugatan sa pag-atake sa Balad air base sa northern Iraq kung saan nakatalaga ang mga US personnel.

Ayon sa pahayag ng Iraqi Military, na walong Katyusha rockets ang tumama sa kanilang base.

Ito ay may layo 80 kilometers north capital ng Baghdad.

Kabilang sa nasugatan ang dalawang officers ng Iraq.

Hindi pa tinutukoy ng Iraq kung anong bansa ang nasa likod ng nasabing atake.