-- Advertisements --

NV3

Arestado na ng PNP – Anti Kidnapping Group (AKG) ang apat sa pitong pulis na suspek sa pagdukot at panununog sa isang babaeng online seller sa Palayan,Neuva Ecija.

Kinilala ni PNP AKG Director P/BGen. Rudolph Dimas ang mga naarestong suspek na sina P/SSgt. Benidict Reyes, P/SSgt. June Malilin, P/Cpl. Julius Alcantara at isang Dario Robarios na caretaker ng farm kung saan dinala ang biktimang si Nadia Casar na isang online seller.

Habang nananatiling at large naman ang iba pa na kinilalang sina P/MSgt. Rowen Martin, P/SSgt. Drextemir Esmundo at isang Franklin Macapagal.

Batay sa report ng PNP-AKG, July 20, pabalik na sana ng Cavite ang biktimang si Nadia Casar sakay ng isang kotse matapos makipagkita sa kaniyang kliyente umano na si Franklin Macapagal nang harangin sila ng isang pick up sakay ang tatlong armadong lalaki at may kasama pang naka-motor.

Kinabukasan, pinalaya ang driver ni Casar na nakilala lang sa alyas na Mark na siyang nagpasaklolo sa mga tauhan ng AKG para sagipin ang biktima na nasa isang safehouse sa Brgy. Tagpos.

NV2

Pero habang ikinakasa ang operasyon sa Sta. Rosa Police Station, nakita ni alyas Mark ang isa sa mga suspek na pulis na si Reyes na siyang dahilan ng pagkakaaresto nito at duon na rin natukoy ang iba pang suspek tulad nila Esmundo na naka-assign sa Cabiao PNP at Alcantara na taga Provincial Drug Enforcement Unit ng Nueva Ecija PNP.

Sumuko si Alcantara at itinuro ang iba pang pulis na suspek na sina Malilin na taga Palayan City PNP, Martin na mula sa Cabanatuan PNP at Esmundo na siyang utak aniya sa pagdukot at pagsunog sa biktimang si Casar.

Batay sa salaysay naman ng caretaker na si Robarios, inutusan umano siya nila Malilin, Esmundo at Martin na ibaon sa isang hukay sa binabantayan niyang farm ang sunog na katawan ng bitkima na nakasilid sa sako.

Naisampa na ang kaso sa Department of Justice ang mga kasong Kidnapping at Serious Illegal Detention laban sa mga Pulis na sina Esmundo, Reyes at Alcantara gayundin kay Alcantara habang nahaharap naman sa kasong murder ang mga Pulis na sina Maliliin, Martin at ang caretaker na si Robarios.

Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Police Regional Office 3 regional police director BGen. Val De Leon, sinabi nito na ongoing ang manhunt operations laban sa mga at large na pulis.

Siniguro ni De Leon na mananagot ang mga suspek na pulis sa karumal dumal na krimen.

Narekober na rin ng PNP ang sasakyan na ginamit ng mga suspek sa pagdukot sa biktima.