miami police florida
-- Advertisements --

Nasa kustodiya ngayon ng mga pulis ang dating US Marine na bumaril-patay sa apat katao sa Florida.

Kabilang sa namatay ang isang babae habang karga nito ang kaniyang tatlong buwan na anak na lalaki.

Kinilala ang suspek na si Bryan Riley, 33.

Maliban sa mga namatay, patuloy na ginagamot sa hospital ang 11-anyos na sugatang babae matapos magtamo ng pitong tama ng bala sa katawan.

Sa imbestigasyon ng pulisya, walang koneksiyon ang suspek sa mga biktima.

-- Advertisement --

Nakipagbarilan pa ito sa mga pulis bago sumuko.

Si Riley ay isang beteranong sundalo sa nangyaring giyera sa Iraq at Afghanistan.

Nagtrabaho siya bilang bodyguard at security guard.

Sinabi ng kaniyang girlfriend sa mga imbestigador, ang suspek ay nakaranas ng post-traumatic stress disorder at occasional depression.