(Update) DAVAO CITY – Patuloy ngayon ang ginagawang imbestigasyon ng otoridad kaugany sa nangyaring sunog kaninang umaga kung saan apat ang nasawi kasama ang tatlong mga bata at isang binatilyo.
Nangyari ang sunog sa San Juan St., Phase 1, Laverna Hills, Buhangin sa lungsod.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection (BFP-11), electrical ignition ang posibleng dahilan ng sunog dahil nagsimula umano ito sa area ng bahay kung saan may mga appliances na nakasaksak.
Ayon kay SFO4 Ramil Gillado, chief investigator ng BFP-11, na-trap ang mga biktima na kinabibilangan ng magkapatid na sina alyas Jag Louise, 19; at walong taong gulang na si alyas Natnat at mga kamag-anak nito na sina alyas Angel, 14; at alyas Evan Gabriel, 9, dahil sa entrance na iisang daanan lamang ng bahay nagsimula ang sunog.
Ngunit dalawa sa mga kasama nito sa bahay ang nakalabas ngunit nagtamo ng paso sa kanilang katawan na kasalukuyang inoobserbahan na ng mga doktor kung saan nakilala ang mga ito na sina alyas Julia, 26, at Eunice.
Sinabi rin Gillado na bago mangyari ang sunog, nakaamoy na umano kahapon ang isa sa mga biktima ng nasusunog na wire hanggang sa mangyari ito kanina.
Ang nasabing bahay ay pagmamay-ari ng mag-asawang Jonathan at Marilyn Baribe kung nagrerenta lang ang mga ito sa lugar at wala umano ang mga ito ng mangyari ang insidente.
Sinasabing nasa P3 milyong halaga ang naitalang damyos.
Kabilang sa mga nasunog ang dalawang bahay ay isang laundry shop.