Ibinunyag ng military sa Kenya na kanilang napatay ang apat na terorista.

Ayon sa Defense Forces ng Kenya, ang mga napatay ay nagtangkang umatake sa US Military base sa Manda Airstrip sa Camp Simba.

Tiniyak naman nila na ligtas na sa anumang atake ang airstrip.

Inako naman ng kaanib ng Al Qaeda na al-Shabaab ang nasabing atake sa Lau county malapit sa border ng Kenya at Somaila.