Isinailalim na sa restrictive custody ng Philippine National Police (PNP) ang apat na pulis na siyang sangkot sa naging insidente ng pamamaril sa Puerto Princesa na siyang nagresulta sa tatlong nasawing indibidwal.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., maliban sa pagsasailalim sa mga ito sa restrictive custody ay kasalukuyan na ring dinisarmahan ang mga pulis.
Ang apat kasi ay napagalamang rumesponde sa isang gulo sa isang lamay ng walang sapat na koordinasyon sa kanilang hepe at hindi umano’y nasa impluwensiya ng alak at hindi rin nakasuot ng kanilang mga uniporme sa kabila ng full alert status nitong nagdaang Semana Santa.
Sa apat na pulis, tatlo ang napagalamang may mga ranggong Police Staff Sergeant habang ang isa naman ay isang Police Corporal.
Siniguro naman ni Nartatez na walang magiging cover up o whitewash sa mga kaso na ito ng apat na pulis na siya ring nakatakdang sampahan ng mga kaukulang administratibo at kriminal na kaso laban sa mga pulis.
Samantala, patuloy naman ang pulisya sa kanilang pagkakasa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa pamamaril para sa mga tamang pananagutan at posibleng pagsasampa ng mga homicide o murder charges laban sa mga personalidad sa likod nito.
















