-- Advertisements --

1b1

Apat na matataas na opsiyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kabilang sa balasahan.

Pormal na nanungkulan kahapon ang mga bagong commander ng apat na matataas na tanggapan ng AFP.

Ito’y sa isinagawang sabayang Change of Chiefs Ceremony sa Camp Aguinaldo na pinangunahan ni Deputy Chief of Staff, AFP Vice Admiral Erick A. Kagaoan.

Si Brigadier General Henry Doyaoen, ang dating Commander ng 503rd Brigade, 5ID, PA ang umupo bilang bagong Chief, Office of the Internal Auditor (OTIA) kapalit ni Major General Bartolome Vicente O. Bacarro na una nang nanungkulan bilang bagong Commander ng 2nd Infantry Division.

Si Commodore Antonio C. Palces na dating Commander ng Naval Forces Eastern Mindanao ang umupo bilang bagong Deputy Chief of Staff for Education, Training and Doctrine (J8) kapalit ni Major General Rene S. Diaz na mamumuno naman sa Office of the Deputy Chief of Staff for Logistics (J4).

Si Rear Admiral Alberto Carlos na dating pinuno ng J4 ang itinalagang bagong Commander ng Philippine Navy Fleet.

Habang si Brigadier General Larry Mojica na dating Assistant Division Commander ng 5th Infantry Division ang umupo bilang Chief, AFP Pension and Gratuity Management Center.