Essex police UK

Umaabot na sa apat katao ang inaresto ng mga otoridad kaugnay sa nadiskubreng 39 na mga bangkay sa isang trailer truck sa industrial park sa Grays, Essex, United Kingdom.

Kinumpirma ng Essex police na kabilang sa kanilang hawak ay dalawang lalaki, isang babae at ang truck driver.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakikilala ang naturang mga bangkay kung saan sinimulan na rin ang pagsailalim sa otopsiya sa mga bangkay na nakita sa loob ng refrigerated na truck.

Una nang sinabi ng pulisya na ang mga bangkay ng walong babae at 31 mga lalaki ay pawang mga Chinese nationals.

Pero kinontra ito ng China, dahil hindi pa naman daw kumpirmado ang national ng mga patay.

Umugong tuloy ang haka-haka na baka may ilang missing na dayuhan nasama sa pinatay.

Kabilang na ang hinala na maaaring kasama sa 39 na mga bangkay ang isang Vietnamese na missing.

Kung maalala una nang binansagan ng Essex Police ang naturang kaso bilang “largest-ever murder investigation.”