NAGA CITY- Sugatan ang apat na miyembro ng isang pamilya matapos pagsasaksakin ng isa pang pamilya sa Sitio Balatungan Z-3 Concepcion Grande
Naga City.
Kinilala ang mga biktima na sina Christopher Zamora, Christian Zamora, Mario Zamora at Francis John Estefani.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa PNP-Bicol, nabatid na nasa impluwensya ng alak ang mga suspek na sina Godofredo Nacion Sr., 50-anyos; Edwin Nacion,30; Godofredo Nacion Jr., 27; Garry Nacion, 23; at Jeremy Nacion, 21.
Armado ang mga ito ng bolo at tubo at sa hindi pa malamang dahilan, pinagsasaksak ng mga ito ang mga biktima na nagkataong nakasalubong ng mga suspek.
Nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima na agad namang itinakbo sa ospital.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad si Godofredo Nacion Sr habang pinaghahanap pa ang apat na mga salarin.