-- Advertisements --
Patay ang apat na katao matapos ang paglubog ng sinakyan nilang bangka sa English Channel sa Southern England.
Nailigtas ng mga mangingisda ang 31 ibang sakay ng bangka na lumubog sa nagyeyelong tubig sa pagitan ng Kent at France.
Mabilis rin na dumating ang tulong mula sa gobyerno gamit ang helicopter.
Nagpaabot naman ng kalungkutan si British Prime Minister Rishi Sunak sa nangyaring pagkakalubog ng bangka.
Ngayong taon lamang kasi ay aabot sa 45,000 mga migrant ang nagtangkang tumawid sa ilang bansa sa Europe.