NAGA CITY- Sugatan ang apat katao sa banggaan ng motorsiklo at tricycle sa Brgy. Sta. Elena Baras, Nabua Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PCpl. Ronald Peregrino, tagapagsalita ng Nabua PNP sinabi nitong papunta sana sa ospital sa lungsod ng Iriga ang tricycle na minamaneho ni Joey Peregrino lulan ang mga pasaherong sina Ariel, Ecal, Jerry at Jelyn Pacer na pawang mga residente ng Brgy. San Francisco, Balatan, Camarines Sur para patingnan ang kamag-anak na nakakaramdam ng hypertension.
Ngunit pagdating sa naturang lugar, nabangga ito ng motorsiklong minamaneho ng Indian National na si Jagleet Singh Cheema.
Kaugnay nito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang dalawa sa mga pasahero at ang dalawang driver ng naturang mga sasakyan.
Sa ngayon, patuloy pang binabantayan ang kalagayan ng mga nasugatan lalo na ang Indian national na nagtamo ng malalang tama sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Samantala, sa inisyal naman na imbestigasyon, lumalabas na ang driver ng motor.