
Samantala, arestado ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit ng Manila Police Distric ang apat na drug suspek sa ikinasang magkakasunod na buy bust operation sa lungsod ng Maynila kung saan nasa kabuuang P3.9 million halaga ng shabu ang nakumpiska.
Ayon kay PNP Chief General Debold Sinas, unang naaresto sa ikinasang buy bust operation sa Pedro Gil St., Pandacan, Manila si Bellia Odin, 46 anyos, nakuha sa kanya ang 50 gramo ng shabu na may estimated value na P340,000.

Nitong April 13, naaresto naman si Abdulmanan Buisan, 41-anyos na nahuli sa Harrison St. corner P. Ocampo St. Malate, Manila at nakuha sa kaniya ang nasa 367.6 grams na shabu na may estimated value na P2.5-million.
Kahapon, April 14 arestado ang isang Sarah Manonog at Marissa Manansala sa Brgy 155 Tondo Manila, nakuha sa kanila ang 160 gramo na shabu na may estimated value na higit P1 million.
Sa kabuuan aabot sa 560 gramo ang nakumpiska ng PNP sa apat na may estimated street value na 3.9 milyong piso.
Nahaharap na ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o comprehensive dangerous drugs act of 2012.
















