Patay ang apat na Chinese drug personalities sa ikinasang anti- illegal drug operation ng mga tauhan ng PDEA, PNP at AFP sa Punta Verde Subdivision, Barangay Pulong Cacutud, Angeles City, Pampanga kaninang alas-10:00 ng umaga.
Ayon kay PDEA Director Gen. Wilkins villanueva nanlaban ang apat na Chinese sa mga operatiba dahilan para mag retaliate ang mga otoridad.
Kinilala ni Villanueva ang mga nasawing drug suspek na sina Cai Ya Bing alias CAI, 29 anyos old, mula sa Yuncheng City, Shanxi; Erbo Ke alias Payat, 34 anyos mula sa Quanzhou City, Fujian; Huang Guidong, 43 anyos at Wuyuan Shen (na kilala rin sa alyas na Jinpeng Zhang), 41-anyos na kapwa mula sa Zhang Zhou, Fujian.
Ayon kay PDEA Spokesman Derrick Carreon, pawang armado ng kalibre 45 pistola ang mga suspek at malalakas ang loob na nakipagpalitan ng putok sa mga awtoridad.
Nakuha sa kanila ang 38 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P262,200,200 gayundin ang dalawang mamahaling cellphone at isang timbangan.
Samantala, pinuri ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar ang matagumpay na anti-illegal drug ops sa Pampanga na ikinasawi ng 4 na bigtime chinese drug dealers na nag ooperate sa NCR at region 4A.
Sinabi ni Eleazar ang mga napatay na suspeks ay may ugnayan kay Basher Bangon, leader ng Basher Drug Group na napatay ng PDEA sa isang shootout sa Cavite nuong September 9.
“The suspects were known distributors of illegal drugs in the National Capital Region and Region 4-A,” pahayag ni PGen Eleazar.