-- Advertisements --
CENTRAL MINDANAO – Sinira ng malakas na hangin at ulan ang mga kabahayan sa apat na barangays sa lalawigan ng Maguindanao.
Ayon kay Municipal Administrator Musib Tan na apat na barangays sa bayan ng Datu Saudi, Ampatuan, Maguindanao ang binayo ng buhawi at umulan pa umano ng yelo o ice.
Dahil sa lakas ng hangin na tumama sa Brgy Ilian, Dapiawan, Madia at Kitango sa bayan ng DSA, maraming bahay ang nasira at mga puno na nabuwal.
Matatandaan na bago ang paghagupit ng buhawi, umulan pa at sinundan na malakas na hangin.
Ikinagulat din ng mga residente na maliban sa buhawi ay umulan din daw ng ice.
Namahagi kaagad ng tulong ang LGU-DSA sa pangunguna ni Mayor Edris “Resty” Sindatok sa apat na barangays na hinagupit ng buhawi.