Arestado ang apat na indibidwal sa ikinasang serye ng operasyon ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) dahil sa iligal na pagbebenta ng mga Pharmaceutical products nuong Miyerkules sa Quezon City, Paranaque at Quezon Province.
Kinilala ni CIDG Director MGen. Albert Ignatius Ferro ang mga naarestong suspeks na sina: Sunny Firmeza Jr, 36-anyos; Rhona Marie Castillo, 30-anyos old; Junesca Capuno, Arlene Solina.
Naaresto ang apat na mga suspek sa ikinasang buy-bust operation kung nakumpiska sa kanilang posisyon ang ibat ibang pharmaceutical products na nagkakahalaga ng P218,739.000.
Ito ay ang mga sumusunod:
Sixty-six (66) bottles containing Ivermectin 15mg tablets;
Ninety-one (91) pieces of Amoxicillin Axmel 500mg;
Thirty-three (33) pieces of Amoxicillin Trihydrate Vhellox 500mg;
Fifteen (15) pieces of Amoxicillin Trihydrate and Axmel; and
Fifteen (15) pieces of Cefalexin Exel 500mg;
Naaresto sina Firmeza at Castillo bandang alas- 2:00 PM sa SM North EDSA, North Avenue corner EDSA sa Quezon City ng mga detectives ng CIDG Cavite habang si Capuno ay naaresto bandang alas-4:00 ng hapon sa may Clipper Avenue, Bayview, Brgy. Tambo, Parañaque City.
Habang si Solina at naaresto bandang alas-5:12 PM sa Angustias, Zone 4, Tayabas City, Quezon.
Paglabag sa RA 10918 (Philippine Pharmacy Act) ang isinampang kaso laban sa apat na suspeks.
Sinampahan din sila ng dagdag na kasong paglabag sa RA 9711 (Food and Drug Administration Act of 2009) sina Firmeza,Castillo at Capuno.
Ayon kay MGen. Ferro, ang pagbebenta ng mga pharmaceutical products lalo na duon sa mga unregistered products at hindi otorisado ng FDA ay paglabag sa batas kaya dapat lamang managot ang mga ito.
Pina-alalahan din ni Ferro ang publiko na mag-ingat sa mga unregistered pharmaceutical products na ibinibenta ngayon lalo na sa online dahil may mga indibidwal pa rin ang nag ti take advantage.