-- Advertisements --

Muling nakatikim ng pagkatalo ang Gilas Pilipinas sa kamay ng New Zealand 94-86 sa nagpapatuloy na FIBA Asia Cup na ginaganap sa Jeddah, Saudi Arabia.

Sa simula ng quarter ay sandali lang nakontrol ng Gilas ang laro hanggang umarangkada ang New Zealand.

Umabot pa sa 18 points ang kalamangan ng New Zealand hanggang mailapit ng Gilas ito 85-82 sa natitirang 3:48 ng laro subalit muling nailayo ito ng Tall Blacks.

Nasayang naman ang nagawang 37 points ni Justin Brownlee para sa Gilas Pilipinas.

Dahil sa talo ay kailangan na maipanalo ng Gilas Pilipinas ang huling laro sa grupo laban sa Iraq para makapasok sa qualfication sa quarter match ng third placers.