-- Advertisements --

Desidido si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu na sakupin ng buo ang Gaza.

Ito ang kaniyang naiisip na paraan para tuluyang talunin ang Hamas at ng matapos na ang 22-buwan na kaguluhan.

Hinihintay niya ang pag-apruba ng gabinete para tuluyang maisakatuparan ang nasabing balakin na ito.

Paglilinaw niya na hindi naman nila ito tuluyang aangkinin at sa halip ay maglagay ng security permiter.

Kanila din itong ipapasakamay sa mga Arab forces na mamamahala doon at ng magkaroon ng magandang kabuhayan ang mga mamamayan ng Gaza.