-- Advertisements --
Nakapagrehistro ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 4.9 magnitude na lindol sa katimugang bahagi ng ating bansa.
Naitala ito kaninang alas-2:06 ng madaling araw.
Natukoy ang epicenter sa layong 387 km sa timog silangan ng Balut Island, Municipality of Sarangani, Davao Occidental.
May lalim itong 51 kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Nangangahulugan na dulot ito ng paggalaw ng tectonic plates sa naturang lugar.
Wala namang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershocks mula rito ang mga eksperto.