-- Advertisements --
Nagpaalala ang Office of the Civil Defense (OCD) sa mga mamamayan na makibahagi sa 3rd quarter National Simultaneous Earthquake Drill.
Magsisimula ang nasabing drill dakong alas-2 ng hapon kung saan pangungunahan ito ng Office of the Civil Defense.
Naglatag na rin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Public Safety Division ng mga evacuation plan at nagtalaga na rin ng mga marshalls para umalalay sa mga kawani na lalahok sa drill.
Ang nasabing quarterly activity ay taunang isinasagawa para magkaroon ng kahandaan ang mga mamamayan kapag dumating ang malakas na paglindol sa bansa.