Inaresto ng mga tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group ang aabot sa 38 Chinese nationals sa Moalboal, Cebu.
Nagresulta ang operasyon sa pagkakakumpiska ng 30 computers, 212 cellphones, 4 laptops at iba pang gamit mula sa mga suspect.
Lahat umano ng mga ito ay sangkot sa ilegal na aktibidad partikular na sa cybercrime operation.
Nabawi rin ng mga otoridad ang mga sasakyan sa lugar kung saan isinagawa ang operasyon.
Sa isang pahayag, sinabi ni CIDG Director PBGEN Nicolas D. Torre III, hindi sila titigil sa paghahabol sa mga kriminal.
Wala rin aniya silang sisinuhin anuman ang nasyonalidad nito.
Layon ng hakbang na ito na matiyak ang kaligtasan ng publiko mula sa ganitong uri ng ilegal na aktibidad.
Ang mga nahuling suspect ay mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012.