LA UNION – Kabuuang 371 ang mga bagong promote na pulis sa Region 1.
Pormal nang iginawad sa kanila ang one rank promotion kasunod ng kanilang panunumpa sa harap ni PRO-1 Director Police Brigadier General Joel S. Orduña sa grandstand ng Camp Oscar Florendo sa Parian, San Fernando City, La Union.
Mula sa nasabing bilang, 22 ang mga Police Commissioned Officers ang umangat ng ranggo habang 349 ang na-promote na Police Non-Commissioned Officers.
Karamihan na tumaas ang ranggo ay mga Police Master Sergeant (PMSg) na nasa bilang na 123 at Police Staff Sergeant (PSSg) na 146.
Sa naging mensahe ni Gen. Orduña, pinayuhan nito ang mga bagong promote na pulis na panatilihin ang propesyunalismo, maging tapat at masigasig sa pagpapatupad ng mandato para mabigyan ng sapat na serbisyo ang bayan.