-- Advertisements --

Nanindigan ang Department of Justice (DOJ) na pineke ng operator ng lumubog na MT Princess Empress ang mga dokumento.

Sinabi ni DOJ Undersecretary Raul Vasquez na nakita nila na mayroong dalawang public documents ang pineke ang RDC Reied Marine Service ang operator ng MT Princess Empress.

Isang tinukoy nito ay ang certificate of registration na inilabas umano ng Maritime Industry Authority o MARINA.

Itinanggi naman ng MARINA na binigyan nila ng certificate of registration ang nasabing operator ng MT Princess Empress.

Pangalawa ay ang construction certificate na nakasaad doon na ginwa ang barko sa Bataan pero lumabas na ito ay ginawa sa Navotas.

Natagalan umano sila sa pagsampa ng kaso dahil sa tinutukan ng gobyerno ang paglilinis sa mga tumagas na langis mula sa nasabing lumubog na barko.

Naniniwala naman si Justice Secretary Crispin Remulla na maaring pinalusot ng mga opisyal ng MARINA at Philippine Coast Guard kaya kasama ang mga ito sa kaso.

Magugunitang sinampahan ng DOJ ng falsification at perjury ang 35 na katao kabilang ang mga may-ari ng MT Pricess Empress, ilang opisyal ng Philippine Coast Guard at MARINA.