-- Advertisements --

Tinatayang aabot sa 35,000 suspected COVID patients ang masusuri dahil sa donasyong test kits mula sa South Korea para sa Pilipinas.

Pinangunahan ni South Korean Ambassador Han Dong-man ang turn-over ng naturang mga kagamitan sa National Task Force (NTF) Against COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DoH), agad na dadalhin ang testing kits sa mga accredited laboratories, para masimulan nang magamit.

Sa kasalukuyan 18 laboratoryo na ang pinayagan ng DoH na magproseso ng swab samples mula sa mga hinihinalang may COVID-19.

Dahil dito, aabot na sa 72,794 ang mga nasuring pasyente.