-- Advertisements --

STAR FM CEBU -Nakalabas na mula sa Cebu City Quarantine Center (CCQC) ang 34 na pasyente matapos makarekober sa coronavirus disease(COVID-19).

Kasama pa sa mga ito ang dalawang katao na may edad na 82 at 83 matapos magnegatibo at malabanan ang COVID-19.

Isa ang CCQC sa mga quarantine facility sa lungsod ng Cebu kung saan inilalagay ang mga pasyente na may mild to moderate na sintomas.

Malaki ang naitulong ng nasabing pasilidad na ma decongest ang mga pasyente sa iilang mga ospital matapos inilipat ang iba sa mga ito doon.

Nagpapasalamat naman si Mayor Edgar Labella sa lahat na tumulong lalung-lalo na sa mga frontliner na nag-aalaga sa mga pasyente upang ang mga ito’y nakarekober.

Nagpapasalamat din ang hospital administrator ng Cebu City Medical Center (CCMC) na si Yvonne Cania dahil napagtagumpayan ng mga pasyente ang laban kontra COVID-19.

Ang CCMC ang namamahala sa CCQC.