Nailigtas ang 34 na babae na pinaniniwalaang biktima ng iligal recruiter at gawing kasambahay sa Saudi Arabia.

Ayon sa Bureau of Immigration, nasa edad 20 hanggang 30 ang mga babae na papunta sana sa Riyadh ng kanilang masagip sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Napigilan ang mga biktima ng mapansin ng mga immigration officers na may mga problema ang kanilang mga papeles.

Magkaiba aniya ang mga nakasaad sa kanilang visa at sa kanilang overseas employment certificates (OEC).

Ipinasakamay na ang mga bikitma sa Inter-Agency Council Against Trafficking para sila ay matulungan.