-- Advertisements --

Nasa ilalim ng Red at Orange category ang 33 probinsya sa Luzon dahil sa malawak na saklaw ng bagyong Uwan.

Ito ay batay sa November-8 report ng Disaster Information Coordinating Center ng Department of Interior and Local Government (DILG – CODIX)

Nasa ilalim ng Alert Level Charlie o Red Alert ang 16 na probinsiya: Abra, Aurora, Benguet, Catanduanes, Ifugao, Ilocos Sur, Isabela, La Union, Mountain Province, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Pangasinan, Quezon, Quirino, Tarlac, at Zambales.

Ang mga nabanggit na probinsiya ay sinasaklaw ng 180-kilometer diameter ng naturang bagyo. Inaasaahang makakaranas ang mga ito ng hanggang 130km/hr na hangin habang nagbabanta ang bagyo.

Nagbabanta rin ang intense to torrential rains sa mga nabanggit na probinsiya.

Samantala, nasa ilalim naman ng Alert Level Bravo (Orange) ang hanggang 17 probinsiya. Ang mga ito ay nakapaloob sa 550-km diameter ng naturang bagyo.

Kabilang ang Albay, Apayao, Bataan, Batanes, Bulacan, Cagayan, Camarines Norte, Camarines Sur, Cavite, Ilocos Norte, Kalinga, Laguna, Metro Manila, Northern Samar, Pampanga, Rizal, at Sorsogon.

Mararanasan ng mga ito ang hanggang 88 kph ng hangin, kasama ang heavy to intense rains.