-- Advertisements --
Napatay ng mga sundalo ng Pakistan ang 33 militants na lumusob at nanghostage sa isang police station.
Ayon sa Pakistan defence minister Khawaja Muhammad Asif, na nilusob ng Islamist militants mula sa Pakistani Taliban at kanilang kinontrol ang center sa Bennu district.
Maraming katao at mga kapulisan ang nasa lugar na ginawang hostage ng mga suspek.
Lahat aniya ng hostage ay napalaya kung saan dalawang sundalo ng Pakistan ang nasawi habang mayroong nasa 15 ang nasugatang sundalo.
Inako ng Pakistani Taliban o kilala bilang TTP ang nasabing atake.
Nag-umpisa ang grupo noong 2007 at sila ay napigilan ng mga sundalo noong 2014 at muling nabuhay.