Naaresto raw ng mga otoridad ang 32 katao na pinaniniwalaang mga miyembro g private armed groups sa Laguna tatlong araw na lamang bago ang halalan sa Mayo 9.
Ayon kay Commission on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia, sa mga susunod na araw daw iaanunsiyo ng komisyon ang detalye ng mga aktibidad ng mga naaresto.
Dito raw malalaman kung may kinalaman ang kanilang aktibadad sa nalalapit na halalan sa mga local candites o wala.
Kapag napatunayan daw na may kinalaman sa halalan ang aktibidad ng mga naaresto ay sasampahan nila ang mga ito ng kaso kasama na ang mga taong nasa likod ng mga ito.
Pinapurihan naman ni Garcia ang mga otoridad na umaresto sa mga pinaniniwalaang private armies ng pulitiko.
Kung maalala, nasa 105 na bayan at 15 na siyudad ang kabilang sa listahan na nasa areas of concern ng PNP at ang mga lugar ay nasa highest red category.
Una rito, sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nakatakda silang mag-deploy ng 40,000 personnel sa buong kapuluan para i-monitor ang naturang mga lugar.