-- Advertisements --
CAGAYAN DE ORO CITY – Kinumpirma ng Department of Education (DepEd)-Region 10 na umabot na sa 32 ang kanilang mga empleyado na nagpositibo sa COVID-19.
Sinabi ni DepEd-10 regional director Arturo Bayocot, kabilang sa mga nagpositibo sa coronavirus ang teaching at non-teaching staff sa rehiyon.
Aniya, sa 32 na tinamaan ng COVID-19, nakarekober na umano ang 15 rito habang binawian ng buhay ang isa na nagmula sa Iligan City.
Tiniyak naman ng naturang opisyal na may ginagawa na silang adjustment upang hindi maapektuhan ang kanilang trabaho lalo na’t magbubukas na ang klase sa Oktubre 5.