-- Advertisements --

Hind bababa sa 32 katao ang nasawi at 14 na iba pa ang nawawala matapos nangyaring sunog sa isang minahan sa Kazakhstan.

Ayon sa operator na ArcelorMittal Temirtau, , na mayroong 206 sa kabuuang 252 katao sa Kostenko mine ang kanilang napalikas na.

Sinasabing sumabog ang isang uri ng methane.

Dahil sa insidente ay pinatigil ng 14 na oras ang operasyon ng nasabing minahan.

Nagpaabot namang pakikiramay si Kazakh President Kassym-Jomart Tokayev sa mga kaanak ng mga nasawing biktima.