-- Advertisements --

Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng 31 volcanic earthquakes mula sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras

Sa pinakahuling monitoring ng Phivolcs, patuloy ang degassing sa bulkan at nagbuga ng 1,124 tonelada ng asupre sa loob ng isang araw.

Nag-generate din ang bulkan ng katamtamang plume na umabot ng 700 metrong taas at napadpad sa hilagang kanlurang direksiyon.

Nananatili namang namamaga ang edipisyo ng bulkan.

Nananatili ding nakataas sa Alert Level 3 ang bulkan sa gitna ng patuloy na naitatalang mataas na lebel ng volcanic unrest.

Kaugnay nito, patuloy pa ring pinag-iingat ang publiko sa posibleng panganib ng mga aktibidad ng bulkan gaya ng biglaang pagsabog, lava flows, ashfall, lahar tuwing may mabibigat na pag-ulan at iba pa.