Nasa 31 katao ang nasawi sa air strike ng Turkey sa kuta ng mga Syrian Kurdish forces.
Ayon sa Syrian Observatory for Human Rights na ang nasabing bilang ay matapos ang isinagawang 25 strikes ng Turkey sa mga lugar ng Raqa, Hassakeh at Aleppo province.
Nasawi sa insidente ng ang 18 miyembro ng Kurdish-led Syrian Democratic Forces, 12 miyembro ng Syrian military at isang journalist.
Sinabi ng Turkey na ang strkes ay laban sa mga bases ng mga Kurdish militant group ng Kurdistan Workers’ Party (PKK) sa northern Syria at Iraq na ginagamit para maglunsad ng terrorist attacks.
Isinagawa ang nasabing operasyon na tinawag na Operation Claw-Sword isang linggo matapos ang pagsabog sa Istanbul noong nakaraang linggo na ikinasawi ng anim na katao at ikinasugat ng 81 iba pa.