Nasa 300 na overseas Filipino workers (OFWs) ang nagpositibo sa COVID-19 sa Kuwait.
Kabilang ang nasabing mga OFWs sa mahigit 55,000 na kaso ng COVID-19 Kuwait.
Sa Laging Handa public press briefing, sinabi ni Charge d’ Affaires to Kuwait Charleson Hermosura na sa nasabing bilang, 260 na ang nakarekober habang 31 ang naitalang nasawi kasama na ang apat na healthworkers.
Ang mga labi ng mga nasawing kababayan dahil sa COVID-19 ay nailibing na sa Kuwait habang iba ay iniuwi sa bansa para dito i-cremate.
Samantala, iniulat din ni Amb. Hermosura na umaabot na sa 23,000 OFWs ang displaced o nawalan ng trabaho sa Kuwait.
Kabuuang 5,000 sa mga ito ang nakatanggap na ng $200 cash assistance ng DOLE-AKAP program habang tuloy-tuloy pa rin hanggang ngayon ang pagproseso ng aplikasyon ng mga displaced OFWs.