-- Advertisements --

Nanawagan ang Pilipinas para sa mapayapa at diplomatikong solusyon sa nagpapatuloy na krisis dulot ng tensiyon sa Middle East.

Sa isang statement, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na labis na nangangamba ang Pilipinas sa mga development sa Gitnang Silangan Rehiyon sa mga nakalipas na oras.

Kaugnay nito, mariin na hinihimok ng bansa ang concerned parties na tahakin ang landas ng diplomasiya at iwasan na lumala pa ang sigalot na banta sa kapayapaan at seguridad sa rehiyon.

Sa kabila nito, tiniyak naman ng ahensiya na ipagpapatuloy ng gobyerno ng Pilipinas ang pagprayoridad sa kapakanan at kaligtasan ng mga Pilipino sa rehiyon.

Nakahanda din aniya ang mga embahada ng Pilipinas sa rehiyon para magbigay ng kaukulang tulong sa mga Pilipinong nasa kanilang hurisdiksiyon.