-- Advertisements --
Patay ang tatlong United Nations peacekeepers at lima ang sugatan matapos na tamaan ng kanilang convoy ang roadside bombs sa Mali sa West Africa.
Itinuturong nasa likod ng insidente ay mga Islamist insurgent groups.
Mula kasi ang nangyaring kudeta noong 2012 ay naging aktibo ang mga insurgent Islamist group kaya mas pinaigting ng mga otoridad ang kanilang pagbabantay kasama ang UN.
Aabot na rin sa 281 peacekeepers ang nasawi sa Mali mula ng magsimula ang kanilang mission noong 2013.