ZAMBOANGA CITY – Negatibo na ang tatlo sa Pitong kaso ng Acute Flaccid Paralysis o AFP sa Zamboanga Peninsula kung saan apat dito ang naitalang nagmula sa syudad ng Zamboanga.

Sa panayam ng Star FM Zamboanga kay Dr. Annaliza Credo-Go, Head ng City Epidemiology & Surveilance Unit ng Zamboanga City Health Office ay lumabas na negative na sa AFP ang 3 subject na minonitor ng nasabing Opisina.

Patuloy din na inoobserbahan ang iba pang nadapuan ng nasabing sakit.