-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao matapos na uminom ng milkshake na kontaminado ng Listeria bacteria sa Washington.

Nabili ng mga biktima ang kanilang ininom sa isang restaurant sa Tacoma.

Kasalukuyang nagpapagaling naman ang tatlong kasamahan ng biktima na nakainom ng nasabing milkshake.

Lumabas sa imbestigasyon na ang nasabing outbreak ay mula sa ice cream machines na hindi hinugasang mabuti sa Frugals restaurant sa Tacoma.

Pansamantalang ipinasara ng mga otoridad ang establishimento at nangako ang may-ari na kanilang babayaran ang mga biktima.