CEBU – Patay ang tatlong mga drug suspect sa ikinasang drug operation ng Police Drug Enforcement Group na pinangunahan ni Police Brigadier General Remos Medina.
Nangyari ang insidente sa National Highway, Barangay Taptap, lungsod ng Cebu, nitong madaling araw ng Huyo 11, 2021.
Una rito, isang buwan ng isinailalim sa surveillance mga nasabing drug suspect kung saan unang isinagawa ang drug operation sa Campo 4, lungsod ng Talisay, Cebu, ngunit mabilis na nakatakas ang mga ito matapos na napansin na pulis ang kanilang ka-transaksyon.
Kaugnay nito, agad na ikinasa ng pulisya ang Oplan Drugnet at nakikipag-ugnayan sa Police Drug Enforcement Group, CIDG at Cebu City Police Office at sa ‘mountainous barangay’ ng lungsod naabotan ang mga drugista matapos na na-intercept ng mga sakop ng Highway Patrol Group (HPG).
Unang nagpaputok umano ng armas ang mga drug suspect dahilan na nag-return fire ang mga pulis.
Nakuha mula sa mga napatay na mga suspek ang 10 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P68 million , dalawang .45 kalibre na armas, isang M16 firearm at ang 1.8 million na buybust money.
Sa ngayon, patuloy na inaalam ng mga otoridad ang ‘identity’ ng mga drugista.
Sa inisyal na impormasyon, ang isa sa mga napatay ay dating ‘hitman’ ng top level drug lord ng Central Visayas na si Franz Sabalones.