-- Advertisements --
Patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang estudyante ng University of Virginia na namaril sa tatlong katao na sanhi ng kanilang kamatayan at ikinasugat pa ng dalawang iba pa.
Pawang mga mag-aaral ang nasawing biktima habang dinala na sa mga pagamutan ang mga sugatang biktima.
Agad na inilagay sa lockdown ang main campus ng unibersidad sa Charlotesville.
Hinaloghog ng mga kapulisan ang campus para mahanap ang suspek na si Christopher Darnell Jones Jr. na isang dating football player.
Sinabi ni university president Jim Ryan na armado ang suspek at lulan ng kaniyang itim na SUV.