Leganes Iloilo
Leganes Map

LOILO CITY – Tatlo patay samantala isa naman ang kritikal ng bumangga ang tricycle sa wing van sa radial road sa Barangay San Vicente, Leganes, Iloilo.

Ang mga namatay ay sina Victor Sina-on, 43, driver ng tricycle at mga sakay nito na sina Reynaldo Consurio, 49 at Armando Mondero, 50 anyos.

Kritikal naman ang isa nilang kasamahan na si Julie Sison.

Ang driver naman ng wing van ay kinilalang si Grogonio Saban Jr., 42 anyos sang Brgy Buwanhg Lambunao Iloilo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Police Sr. Master Srgt. Willy Aquidado, imbestigador sang Leganes Municipal Police Station, sinabi nito na nakalampas na ang kalahating parte ng wing van sa intersection ng bigla na lamang sumalpok ang tricycle sa gilid nito.

Ayon kay Aquidado, mula sa bayan ng Sta. Barbara ang mga biktima kung saan nagluto ang mga ito para sa pista ngayong araw.

Sinubukan pa umanong hindi papauwiin ang mga biktima ngunit nagpupumilit ang mga ito.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Leganes PNP ang driver ng wing van.