Napatay ang 3 Palestinian leader sa inilunsad na strike ng Israel sa Kola district sa Beirut, Lebanon sa nakalipas na magdamag.
Kinumpirma ito ng Popular Front for the Liberation of Palestine (PFLP), isa ding militanteng grupo na nakikibahagi sa laban kontra Israel.
Ayon sa grupo, tinamaan ng air strike ng Israel ang itaas na palapag ng isang apartment building sa Kola district ng kapital ng Lebanon.
Wala namang komento pa sa ngayon ang panig ng Israel military kaugnay sa napatay na Palestinian leaders.
Batay naman sa Health Ministry ng Lebanon, sumampa na sa mahigit 1,000 mamamayan ang napatay kabilang na ang mismong lider ng Hezbollah na si Sayyed Hassan Nasrllah habang 6,000 ang nasugatan at milyong mga residente na rin ang nagsilikas mula sa kanilang mga tahanan sa nakalipas na 2 linggong bakbakan sa pagitan ng Israel at Hezbollah.