Iniulat ng Department of Health (DOH) na malapit ng maokupa ang mga kama na nakalaan para sa mga pasyenteng dinapuan ng COVID-19 sa 3 ospital sa gitna ng pagtaas ng kaso ng naturang sakit.
Ayon kay Health Undersecretary Eric Tayag ang mga ospital na ito ay ang Philippine Children’s Medical Center, National Kidney Transplant Institute, at Medical City.
Subalit sa pangkalahatan naman ayon sa DOH official hindi pa umaabot sa ganitong sitwasyon ang mga ospital sa ibang rehiyon.
Samantala, ayon kay USec. Tayag nakadepende na sa ibang mga opsital at mga lokal na pamahalaan para mag-isyu ng kanilang abiso kaugnay sa paggamit ng face mask.
Ito ay kasunod na rin ng muling pagpapatupad ng UP- Philippine General Hospital ng mandatoryong pagsusuot ng face mask sa loob ng ospital.
Sa panig naman ng DOH, ayon sa opisyal inirerekomenda ang pagsusuo ng fac mask sa mga matatanda, mga buntis, mahina ang katawan lalo sa mga hindi pa kumpleto ang bakuna kontra sa covid-19.
Subalit sa ngayon walang plano ang ahensiya na gawing mandatoryo ulit ang pagsusuot ng face mask ngayong holiday season.
Sa datos ng DOH, nakapagtala ng 1,910 bagong kaso ng sakit mula Disyembre 2 hanggang 11.