Nasa P170,000 na halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska sa tatlong lalaki sa isinagawang anti-drug operation sa Barangay Payatas, Quezon City nitong Miyerkules ng gabi.

Naaresto ang target ng operasyon na si alyas Noel at naabutan pa ang dalawang kasamahan nito.

Wala naman sa lugar ang may-ari ng bahay na si alyas Jinggoy na dati ng may record sa kapulisan.

Inihahanda na ng mga kapulisan ang kaso laban sa mga naarestong suspek.