-- Advertisements --

Patay ang tatlong katao matapos ang airstrike ng Russia sa Ukraine.

Kabilang ang isang bata sa nasawi malapit sa capital na Kyiv.

Ang nasabing pag-atake ay ilang araw lamang ang lumipas matapos ang pag-atake na kumitil ng 21 katao.

Ilang gusali rin ang nagtamo ng pinsala maging ang mga sasakyan na nakaparada malapit sa nasabing mga tinamaan na gusali.

Nasa Belgrade, Serbia naman si Ukraine President Volodymyr Zelensky ng mangyari ang pag-atake.

Nakatakda itong makipagpulong kay Serbian President Aleksandar Vučić para talakayin ang ekonomiya, security issues at European Union.